Makailang ulit ko ding tinangkang umpisahan ang blog na ito tungkol sa mga estudyante kong koreano...na iiwan ko na sa Native English. Kumbaga, isang klase ng pagpapaalam na magsisilbi ring tagapag paalala ng lagpas dalawang taon kong pagtuturo sa mga batang ni minsan ay hindi ko nakita sa personal, nahawakan o naamoy man lang (hay salamat! haha biro lang. pero totoo.).
Ni minsan ay hindi nagawi sa aking hinagap na ako'y magiging guro. Ang sabi ko noon, kahit ano na, wag lang titser. Nagiinit ang dugo ko sa mga kamag aral na walang preno ang bibig, nabuburyong akong mag-aral ng leksyon-magturo pa kaya?, naiirita ako sa chalk, sa na hindi namanblackboard black. Ayokong sumagot ng pagsusulit-gumawa pa kaya?. Kay rami kong rason. Pero sa huli, dito din pala ang uwi, sa pagtuturo.
Kaya sa loob ng dalawang taon at humigi't kumulang dalawang buwan, nagpapasalamat na din ako dahil hindi pa ako natatapos sa kolehiyo pero nagagawa ko nang makita kung may silbi ba ang mga pinag aralan ko. Ang masaklap lang, nauna nang nakinabang ang ibang lahi, at hindi sa loob ng silid-aralan ako nakapagturo kaagad. Pero hindi ko ito pingasisisihan. Sa kabila ng mga pintas sa amo, sa trabahao, sa ibang katrabaho, sa sistema at sa sweldo, walang duda, marami akong dapat ipagpasalamat. Hindi ko maisip kung papaano makatitiis sa huling dalawa at kalahating taon sa kolehiyo ng panay aral lang - at hindi kumukita ng sarili kong pera. Nasiraan ako ng bait malamang. Matalino ang Diyos, at mabait Siya sakin. =D
Kaya heto... ipakikilala ko ang mga batang malayo man ay napalapit na rin sa puso ko. singkit sila, pero kita sa mata nila kapag napapasaya mo sila, o kapag natutuwa at natututo sila.
Si Kevin: Estudyante ko rin ang kuya nyang si Mickey (alang litrato) pero mas gusto ko siya. Pasimpleng magaling. Kaso walang tiwala sa sarili, kelangan pang magtanong sa ama bago isambulat ang sagot niya. =D
Si Elizabeth: Etong batang to GC! ay nako,,,sya yung tipong.. "Teacher, we haven't read blah blah yet..." ayan. Pero mabait siya... mag isa lagi sa bahay, pero kasama niya naman pala ang tuta niyang mahal. =D
Si Peter: ETo talaga bihirang mangyari. Ngumiti siya ng malapad. Minsan ko lang din nakitang lumaki ang mata niya - nung sinabi kong aalis na ako. haha Gwapong bata. maraming papaiyakin, kapag hindi siya tulog. =D Antukin numero uno.
Si Kirsty: Ang batang hindi pa ko nagsasalita mag ttype na agad ng FREETALKING. hehe,,, ayaw mag-aral ng libro. lahat na yata ng pwedeng pag-usapan napagsusapan na namin nito.
Si Erin: Wala siyang litrato pero isa to sa pinakapaborito ko. Grabe matalinong bata talaga. Bihira ang mga bata sa kanila na makakausap mo tungkol sa lahat ng bagay ng may sense. Sayang hindi siya nakapasok sa huling araw namin. Ano kayang nangyari don? hehe...sana matupad yung pangarap niyang maging NGO. =D
at ang huli...ang nakakawindang na si Ellena. Bata pa at magaling, kakaiba ang takbo ng utak. Baliw at malambing. Ayan...ang MGA litrato na ang magpapaliwanag. Ginawa niyang espesyal ang huling klase namin. Pinabili pa ko ng pagkain sa tindahan para party daw kami. kundi ba naman adik. hehe
pagbukas ko ito agad. Hello daw =D
ayan,,,hindi kasi nag EDTECH. haha, Wag ko daw siya kalimutan.
ayun na. haha dito na ako muntik maiyak...kaso...
nakakaloka. andami na niya palang naiyak! hahaha sabog!
eto yung handa niya sa party! =D
Ayan sila. makukulit na singkit. pampadagdag pagod, saya, antok, sigla at kahulugan sa buhay ng isang guro. ESTUDYANTE. = Masarap din palang maging GURO. Akalain mo. =D
***Dear officemates...pipichuran ko muna kayo sa martes bago ako gumawa ng blog. haha***

No comments:
Post a Comment